Friday, January 4, 2013

Andalucia (1976)




**** Production Company: Lea Productions / Paragon Home Video ****

Kung minsan gumagawa ng himala ang Panginoong Diyos upang patunayan sa tao na siya pa rin ang nag-papagalaw sa mundong ito.

Nang dahil sa pagtupad niya sa kaniyang tungkulin bilang pulis, napatay ni Eliseo (Fernando Poe Jr.) ang kaniyang kapatid.

Ininda niya ang pangyayari, kaya minarapat niyang mangimbang lugar para makalimot sa masakit na nakaraan.

Napadpad siya sa monasteryo ng Andalucia.

Kinanlong siya ng mga mamamayan ng Andalucia at itinuring na kapamilya.

Ngunit ang monasteryong naging kanlungan niya ang magiging daan upang muli niyang tahakin ang landas pabalik sa kanyang nakaraan.



No comments:

Post a Comment