Thursday, January 31, 2013

Sagot Kita.. Mula Ulo Hanggang Paa




**** Production Company: Ivory Records / Millennium Cinema ****

Pangarap ni Ador na mangibang bansa upang mahango sa kahirapan ang kanyang ina at kapatid ngunit dahilan sa mga huwad na papeles ay hindi siya nakaalis ng bansa.

Upang ikubli ang kabiguan ay nagpasya siyang manatili sa Kamaynilaan upang dito humanap ng panibagong kapalaran.

Samantala, si Ma. Cecilia ay minamahal at tinitingala ng masa dahil sa kanyang programang pangtelebisyon na nagkakaloob ng tulong sa mga maralita at kapuspalad.

Binigyan ni Ma. Cecilia ng trabaho si Ador bilang pasasalamat sa pagtatanggol nito sa kanya minsang bastusin siya ng mga siga.

Dahil dito ay natutuhan ni Ador na pag-ukulan ng pagmamahal si Ma. Cecilia.

Ngunit may kasintahan na si Ma. Cecilia. Ito ay si Butch Jarlego isang pilantropo, ngunit lingid sa kaalaman ni Ma. Cecilia at nang nakakarami na isa pala siyang galamay ng isang notorious na grupo na siyang nangbiktima kay Ador at gusto lang siyang gamitin nito sa maitim niyang balak.

Di nagtagal at nabisto rin ang tunay na pagkatao ni Butch kaya't upang makaligtas ay hinostage niya si Ma. Ceilia.

Nakipaglaban si Ador kay Butch at nailigtas niya si Ma. Cecilia. Pagkatapos ng gusot, nilisan ni Ador ang Kamaynilaan at nagbalik sa probinsiya ngunit kasama si Ma. Cecilia.

**** Directed by Felix E. Dalay ****


No comments:

Post a Comment